HOW TO GET RID OF ANXIETY – MOTIVATIONAL VIDEO



Video Title: HOW TO GET RID OF ANXIETY – MOTIVATIONAL VIDEO

Bago natin simulan, alamin muna natin kung ano ba ang ANXIETY? Actually maraming uri ang ANXIETY DISORDER.

Una ay PANIC DISORDER, ito y’ong nininerbyos ka sa lugar o pwede rin sa mga bagay, siguro dahil may masamang nangyari sa ‘yo d’on sa lugar na ‘yon o di kaya’y may naalala kang masama sa bagay na ‘yon.

Pangalawa ay OBSESSIVE-COMPULSIVE DISORDER o OCD, ito y’ong mga taong palaging nag-aalala sa mga nagawa nilang mali noon. Hindi sila matahimik kung hindi nila masabi ang mga pagkakamaling ‘yon. Kaya y’ong iba’y tatawagin silang PERFECTIONIST kasi takot silang magkamali. Gusto nila na TAMA ang kinikilos nila, na TAMA ang ginagawa nila. May mga tao rin na may OCD na sobrang takot sa DUMI o GERMS. Napagkakamalan natin silang MAARTE. Pero hindi natin alam na may OCD pala sila.

Pangatlo ay POST-TRAUMATIC STRESS DISORDER. Ito y’ong natu-trauma ka dahil sa pananakit ng isang tao sa ‘yo o may nagbabanta sa ‘yo. Kaya sila rin y’ong magugulatin. Sila rin y’ong hindi nagbubukas ng kanilang puso para magmahal kasi nawawala na ang tiwala nila sa tao.

Pang-apat ay SOCIAL PHOBIA. Ito y’ong conscious ka sa sarili mo baka ano pa ang masabi ng ibang tao sa ‘yo. Kaya takot na takot ka na baka huhusgahan ka nila o iniisip mo palagi na ikaw lang ang pinagmamasdan nila.
Panglima is GAD or GENERALIZED ANXIETY DISORDER. Ito y’ong kahit na maliliit na bagay o kahit walang dahilan, labis kang nababalisa at nag-aalala. Nababahala ka sa maraming bagay. Nababahala ka sa kalusugan mo, sa pera o kayamanan mo, sa buhay mo.
Ang tanong, naranasan mo na bang matakot at sa sobrang takot ay hindi ka na makagalaw? Natatakot ka ba o nagpapanic ka ba kahit alam mo naman na ang mga inisip mo ay hindi totoo? Dahil sa sobrang takot natin sa isang bagay, nagfi-freeze tayo. Ito ah… kung kakain ka ng ice cream tapos y’ong lamig niya tatama sa throat mo, y’ong temperatura magbabago tapos sasakit ang ulo mo, ang tawag d’on BRAIN FREEZE. Pero kung TAKOT naman ang tatama sa ‘yo, hindi na BRAIN FREEZE. BUONG KATAWAN mo ay magfi-freeze. Yun bang buhay tayo pero hindi naman tama ang mga iniisip natin. Hindi naman baliw. Ibig kong sabihin ay wala tayo sa tamang landas. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang takot na ‘yon ay hindi mawawala? Siyempre mawawala ‘yon dahil tutulungan kita na puksain ang halimaw na ‘to.

IMPORTANT NOTE:

Ako po ay hindi professional. You should work with a therapist or health coach para mas masuri nila ang puno’t dulo ng inyong damdamin. Hindi ko ‘to ginawa para palitan ang mga turo o tulong ng mga propesyonal. Sa ngayon, tuturuan ko lang kayo kung paano kontrolin ang inyong emosyon.

TRANSCRIPT:

▶ VIDEOS and IMAGES in this CONTENT are from

Mood Videos — Creative Background Music

Relaxing Music for Sleep, Meditation (No Copyright) | Mood Videos

Music by Carlo Lenon
Editing by Keshia Duyongco-Lenon

Music Link:

——————————————————————————————–

Hi everybody I write and speak all of the speeches myself, so if you need some material or want to do some sort of collaboration, feel free to contact me: junbal2177@gmail.com

——————————————————————————————–

Speaker:
Brain Power

Facebook Page:

Instagram: @junbal2177
Twitter: @BrainPower2177

If you find my content helpful, click subscribe and the notification bell –

———————————————————————————————-

#MonsterInYourHead #GetRidOfAnxiety #BrainPower2177

Source: Youtube